Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for global professionals · Friday, October 4, 2024 · 749,182,327 Articles · 3+ Million Readers

Kapihan sa Senado interview ni Senator Win Gatchalian ukol kay Sheila Guo, sa create more at West Philippine Sea

PHILIPPINES, August 29 - Press Release
August 29, 2024

KAPIHAN SA SENADO INTERVIEW NI SENATOR WIN GATCHALIAN UKOL KAY SHEILA GUO, SA CREATE MORE AT WEST PHILIPPINE SEA

ON SHEILA GUO

Q: Sir, una muna, how do you find the testimonies of Sheila Guo nung Tuesday? Do you think she's telling the truth? She's hiding something? Or is she lying?

SEN. WIN: Para sa akin, maraming kulang sa kanyang kwento. Maraming gaps o maraming butas sa kanyang kwento. Bigyan ko kayo ng halimbawa. Nasabi niya na after dinner, sinakay siya sa isang sasakyan. Bumiyahe sila ng limang oras. Umabot sila sa isang pantalan. Sumakay sila ng bangka o barko na good for ten people. Bumiyahe sila another six hours. Tapos lumipat sila sa isang mas malaking barko na parang fishing vessel yata. At bumiyahe sila ng tatlo o apat na oras. Nasabi niya na mahaba yung biyahe niya nung lumipat sila ng fishing vessel. Pero doon sa kanyang pagbiyahe, mula pag-alis ng bahay hanggang pagdating nila sa Malaysia, never niya tinanong kung bakit sila umalis. Never niya tinanong kung anong dahilan, ba't araw yung biniyahe nila. Obviously nila man yung answer. Para sa atin na ginawa nila yun para tumakas sa kamay ng batas. Pero yung kanyang kwento, hindi niya natanong. So yun pa lang parang hindi believable yung kanyang kwento doon. At marami rin mga details na inconsistent. For example, sinabi niya na first time niya nakilala si Cassandra sa Malaysia. Pero lumabas na bumabiyahe sila. At meron kaming mga flight details na nakita. In fact, hindi lang si Cassandra yung kasama, kung hindi yung isang mastermind nung Pogo sa Porac, yung si Dwarren Yu, na lumabas na yung pangalan sa hearing sa house. So sabi niya, first time sila nagkakilala, pero nagkakilala na pala sa mga flights. So may mga ganitong inconsistency sa kanyang kwento. At sinabi nga niya na, wala siyang kinalaman sa negosyo, pero nakita namin sa mga corporate papers na siya ay corporate secretary.

Pumirma siya ilang beses. Pumirma rin siya sa audited financial statements bilang treasurer and CFO. In fact, over the span of 9 to 10 years, 90 plus times, 93 times siya pumirma sa iba't ibang dokumento. So ibig sabihin, sa documents alone, sentro siya sa aktibidad ng Guo-family. Sentro siya sa negosyo, sentro siya sa mga financial transactions nila.

Q: So sir, hindi rin ba believable yung kanyang pagsabi na hindi niya alam kung saan pumunta yung van, kung Pangasinan ba yan, o Zambales? Sabi nga ni Justice Secretary Remulia, parang unbelievable, dahil antagal na niya dito sa Pilipinas, at nakakabasa naman siya kung anong street o anong lugar yung pinuntahan nila.

SEN. WIN: Correct. At siguro, magtatanong ka eh. Diba, magtatanong ka saan ka pupunta. Saan tayo pupunta. At magtataka ka rin, magkakaroon ka rin ng tanong sa sarili mo kung saan kayo pupunta. At yung sa kanilang pag-transfer, along the way, makikita mo rin naman kung dadaan ka ng highway o dadaan ka ng bayan, makikita mo kung nasaan ka. At magiging curious ka, hindi ka lang sasakay. At para kang walang nasa isip na susunod ka lang. Magkakaroon ka rin ng curiosity. Kung nasaan ka na ba at anong lugar yung inyong pinupuntahan. So maraming butas, maraming hindi siya sinasabi. Yun ang punto ko. Nagkwekwento siya, pero kulang-kulang yung kanyang kinukwento.

Q: So sir, dahil dun, sa tingin mo, qualified siya maging state witness? Kasi kahit si Secretary Remulla at Usec. Ty, magkaiba yung kanilang pananaw. For Secretary Remulla, hindi siya qualified maging state witness. But for UnderSecretary Ty, mukhang pwede?

SEN. WIN: Well, ang pananaw ko dyan, kung gagawin siyang state witness, ang gusto natin, magsabi siya ng impormasyon, o magsabi siya ng mga nalalaman niya tungkol kay Alice Guo at sa ginawang hindi magaganda ni Alice Guo. Lalong-lalo na yung relasyon ni Alice Guo sa Pogo. Pero tingin ko magiging mahirap yan dahil unang-una, yung abogado ni Guo Hua Ping, a.k.a. Alice Gou, at abogado niyo pareho. So, ang hinala ko dyan, si Guo Hua Ping pa siguro ang nagbabayad ng abogado niya. So, mahirap naman na magsabi siya ng impromasyon laban kay Guo Hua Ping, pero si Guo Hua Ping naman nagbabayad ng abogado niya. Kasi, iisa lang yung kanilang abogado. Pangalawa, maaga pa para sabihin kung may, pwede siya maging state witness kasi hindi siya nagsasabi ng kumpletong detalye. Base kasi sa dokumento at ipinakita nga natin na sentro siya doon sa mga aktibidad at sa mga pinirmahan niyang mga dokumento. So, just based on the documents alone, meron siyang alam. Pero kung gaanoo kalalim yung alam niya, yun ang maaga pa para masabi ngayon.

Q: So, kung i-coconsider yung mga documents na hawak niyo, sir, parang may malaki siyang partisipasyon?

SEN. WIN: Dahil yung dokumento niya bilang treasurer, yung pinirmahan niya bilang treasurer, mahalaga yun eh. Dahil nakita namin, yun na nga, nasabi natin sa hearing, na yung kita ng mga kumpanya ng Guo, yung QJJ Farm at QJJ Embroidery in particular, hindi nagtutugma doon sa perang pumapasok sa kanilang bank accounts. Bigyan ko kayo ng halimbawa. Sa QJJ Farm, ang kita niya mga 1 or 2 million lang in the span of 10 years. Ang pumasok na halaga, almost 4 billion pesos. Ito yung pera na hinahanap natin. Kasi kung natatandaan niyo, nung una pa lang, tinatanong na natin kung paano napatayo yung Pogo Hub sa Bamban. Dahil wala tayong makita sa financial statements. Pero ngayon nakikita na natin na pumapasok diretso sa kumpanya ng QJJ Farms. Ganyan niya rin sa QJJ Embroidery. Nahalos lugi yung QJJ Embroidery, pero yung pera, yung cash siya na pumapasok, almost 500 million. Ito lang yung dalawang kumpanya. Hindi pa kasali dyan yung si Guo Huoa Ping, maybe si Alice Guo herself, yung pa yung kinukuha naming information. Kaya mahalaga yung papel ng Anti-Money Laundering Council dito. Dahil sila lang ang may mata, sila lang yung may eyes sa mga transactions na nangyayari. Kasi on paper, hindi mo makita. Pero doon sa transaction, makikita mo.

Q: So, sir, kaya hindi nagtutugma. Yung kita doon sa Pogo doon ipinasok sa kita ng mga kumpanya.

SEN. WIN: Ang aking teorya, ang aking hinala dyan, yung perang ginamit para ipatayo yung Pogo Hub sa Bamban, nanggaling sa QJJ Farms in particular. So, hindi farming yung negosyo. Construction yung negosyo nito. Yun ang hinala ko dahil obviously kinonstruct niya yung Pogo Hub sa Bamban.

Q: Sir, may report na gumastos o nagbayad niya about 200 million pesos sina Alice Guo, kaya nakalabas ng bansa. May ganun na ba kayong information?

SEN. WIN: Ako personally, wala akong nagkuhang ganung information pa. Pero, posible yan. At ang tanong, mayroon bang pumunta dyan sa mga kawani ng gobyerno? For example, kung aalis yung barko o aalis ang isang bangka, normally, nag-i-inform yan sa Coast Guard, nag-i-inform yan sa Philippine Ports Authority, at along the way, siguro may tumulong para makatakas sila. So, ang tanong dyan, mayroon bang pumunta na pera sa mga kawani ng gobyerno para tulungan sila makatakas?

Q: So, may way kayo, sir, na ma-determine?

SEN. WIN: We're also doing our own investigation. Nagtatanong rin tayo sa mga sarili nating mga contacts at mga tumutulong sa atin magbigay ng information.

Q: Sir, after an explanation ng mga iba't ibang government agencies at kanilang mga theory, paano nakalabas ng bansa sina Alice Guo? Ngayon ba, klaro na sa inyo kung sino yung dapat mag-resign o kung sino yung dapat na magbitiw o sibakin sa pwesto?

SEN. WIN: Well, ako kasi, ang aking isa pang lagi nasa isip ko, bakit umabot ng five days bago nalaman ng buong bayan na wala na pala dito si Guo Hua Ping.

At hindi ito nanggaling sa executive branch. Nanggaling ito kay Sen. Risa Hontiveros. Siya pa ang nakakuha ng impormasyon at siya ang nag-inform, nagpaalam sa ating, sa lahat, sa taong bayan. Bakit umabot ng five days? Sinasabi ni Commissioner Tansingco na nasa Vietnam siya, bumiyahe siya, took two days para bumiyahe. Pero, trabaho mo yan eh. Trabaho bilang isang commissioner na malaman nito mga impormasyon nito. At trabaho mo rin na kaagad kumuha ng validation at kaagad ipaalam sa presidente man lang at sa taong bayan. Kasi even the president, from that statement na nakita ko, even si Secretary Remulla, nalaman niya rin after nung privilege speech dito sa Senado. So, para sa akin yan ay isang malaking pagkukulang at malaking... malaking gap sa sistema rin ng Bureau of Immigration.

Q: So wala pa kayo nakikita ang basis para manawagan na magbitiw sa pwesto si Immigration Commissioner?

SEN. WIN: Itutuloy pa rin namin yung investigation. In fairness naman, para magkaroon tayo ng klarong resulta at recommendation, itutuloy pa rin namin yung due process para makita yung culpability ng of Immigration, in particular, si Commissioner Tansingco.

Q: Sir, ano na lang. Clarify ka lang, sir. Sabi nyo, parang ang kinita ng mga QJJ Farm, parang 1 to 2 million lang, pero pumasok na 500. Ayun, sir. Paano nyo nalaman at sino ang nagsabi sa inyo and may sariling silang bank account, QJJ Farm and QJJ Farm.

SEN. WIN: Meron silang sariling bank account at based on sa research namin, kumuha kami ng mga information at pinagtugma-tugma namin mga information para malaman namin kung ano ba yung financial standings ng kumpanya. So, yun yung ginawa namin. Kaya it took us a while rin para makuha yun.

Q: Sir, paulit lang po ulit. Sir, kasi nabanggit nyo doon sa hearing pero

kasi medyo late kayo nakapagtanong, di ba? Ano-anong corporation may significant position si Sheila? Kasi di ba sir sabi niya simple lang buhay na employee lang. Hindi nga, alam niya.

SEN. WIN: Hindi, kasi corporate secretary ka eh. Ang corporate secretary, hindi simple yung trabaho yan. Ang corporate secretary, siya ang gumagawa ng board resolutions, siya ang nagpa-facilitate ng mga decision ng board, at CFO, Chief Financial Officer at Treasurer siya. At hindi rin simple yung trabaho yun. Ibig sabihin, ikaw ang pumipirma ng mga cheque, ikaw gumagawa ng libro, ikaw rin nagpa-file ng financial statements. So, contrary ang sinabi niya na nagpapatakbo lang siya ng embroidery machine. So, yung mga kumpanya, hindi ko lang matandaan yung sampu, but QJJ Farms, QJJ Embroidery, meron siyang QSeed Genetics. QSeed Genetics. We can give you the list. Flinash namin yan, but we can give you the list of companies. But meron kaming list ng mga kumpanya. Kinompile rin namin isa-isa yung mga kumpanya nila.

Q: Yung 10 companies, sir, dun siya CFO, halo-halo na yung position.

SEN. WIN: Halo-halo. Majority is corporate secretary siya. Pero may mga kumpanya rin na CFO siya, treasurer, and corporate secretary. So, may mga ganun rin na instance. Kaya, typically, sa family business, gagawin mong treasurer kung malapit sa iyo. Typically, kamag-anak mo yan. Kasi pumipirma yan ng cheque. So, in other words, malapit si Sheila sa family, they trust her, or may possibility rin na itong Guo Family, ginagamit lang itong mga taong to para pumirma ng mga dokumento at gawing pain, gawing pain para kung may mangyari, sila yung magiging scapegoat. Sila yung babagsakan ng mga kaso. Si Sheila. Narinig ko rin yan sa hearing kahapon sa house. Ganun rin yung lumabas doon sa isang, kay Baterna, yung isang personality na involved sa, if I'm not mistaken, sa Lucky South 99. Tapos si Cassandra Ong, parang ganun rin yung sinabi niya. So, may pattern, no? May pattern na ganun rin nangyari. But, of course, these are all theories for now, no? We're still investigating.

Q: Sir, dun kapag pagbabasehan kasi yung hearing nung isang araw, hindi ko alam kung nakita niyo yung impression, parang may binubuong image na wala siyang alam, sunod-sunuran lang siya kay Alice Guo.

SEN. WIN: Tama ka doon

Q: Pero, knowing yung sinasabi niyo, CFO pala siya, corporate secretary pala siya. So, ano yun, sir?

SEN. WIN: Para sa akin, kailangan matuto na tayo kay Guo Hua Ping. Ganun rin sinabi niya nung una. Pinanganak sa farm. Hindi niya alam. Malabo sa kanya, paano siya lumaki, hindi siya nag-aral. Simpleng tao lang, di ba? Paulit-ulit. In narrative, pare-pareho dito sa pamilyang ito. At nadala na tayo sa kwento ni Guo Hua Ping na parang hindi siya nag-aral o homeschool lang siya. Pero, well, in fact, talagang napakagaling niya pagdating sa pagpapatayo ng Pogo Hub at paggagawa ng krimen. Dahil nakatakas nga siya nang hindi nakita ng gobyerno. So, yung narrative ni Sheila, pareho kay Guo Hua Ping. And we cannot take it hook, line, and sinker. Hindi natin pwedeng paniwalaan ka agad. Dapat imbestigahan pa mas malaliman. Dahil yung mga dokumento nakikita namin, taliwas o iba sa sinasabi niya.

Q: Sir, last on my part. Yung paglabas lang nung bansa, kasi parang may sinasabi si Sec Remulla na papaka-imposible naman yan. Nagbangka, nagbarko kayo. Are you still considering the idea na baka lumipad talaga sila, sir? And meron from immigration?

SEN. WIN: Meron kaming listahan ng mga chartered flights from the Philippines to Malaysia and from the Philippines to Indonesia. So, iniisa-isa namin ngayon kung sino may are at sino yung sakay. Dahil kung nag-charter flights, charter flights sila, dapat i-declare mo sa BIQ, sa Bureau sa Bureau of Immigration and Quarantine sino yung mga sakay. Pero may mga instances rin hindi nila dini-declare kung ano yung mga sakay eh. So, iniimbestigahan namin itong angulo na nag-charter flights sila at tinitignan namin isa-isa yung mga may-ari nung eroplano.

Q: So, isang habol lang? Ano instances na hindi dinedeclare?

SEN. WIN: Well, kakuntsaba mo yung tinatawag nila ground handler. Kasi kung mag-file ka ng flight, magbibigay ka ng dokumento, yung tinatawag nila flight path, yung flight manifest, lahat ito ibibigay mo. Pag hindi mo sinulat doon, dapat physically ang Bureau of Immigration nagboboard nung plane para makita talaga kung sino yung mga sakay doon. Physically, parang tayo dumadaan ng immigration. Dapat makita nila physically. Ang theory ko, hindi nila diniclare, hindi rin nagboard ng plane. So, sa flight manifest, walang mga pangalan doon. Well, in fact, may mga tao pala doon. That's also a possibility.

Q:Sir, balikan ko lang yung kay Sheila Guo. So, sa tingin nyo, nagpapanggap lang siyang walang alam? O pwedeng willing naman siya na ginamit lang ni Alice Guo doon sa mga kumpanya?

SEN. WIN: Yung theory na walang alam, taliwas yun doon sa dokumento. Dahil nga sa dokumento, hindi lang isang beses siya pumirma. 90 plus times pumirma siya ng mga dokumento. Since 2013. At, dapat nagtatanong ka rin kung anong pinipirmahan mo. Dahil sagrado ang pirma sa ating bansa eh. Kung yung pirma mo, kaya nga, kaya ka ikulong sa pagpipirma ng dokumento. So, dapat nagtatanong ka rin, inaalam mo rin kung ano yung pinipirmahan mo. Pero yung nagamit siya, yun ang isa pang tinitignan nating angulo. Kung posible ba yun? O kwento-kwento lang yun?

Q: At kung nagsisinuwaling si siya, sir, hanggang kailan siya i-dedetain dito sa Senate?

SEN. WIN: Tuloy-tuloy yung investigation. Nakakuha ko ng information na Monday yata. Monday may hearing. So, tuloy-tuloy yan until makita natin yung consistency at also level of details nung pagkukwento niya. Kasi, kagaya nang narinig nyo naman, yung pagbiyahe niya, walang detalye. Sumakay lang siya, lumipat ng barko, yun lang eh. Walang detalye. Walang, parang blangko. Tapos, bumiyahe sila ng 3 days, wala rin yung detalye. So, marami siyang hindi sinasabi sa aking pagkaanalisa.

Q: Sir, pwede nyo daw bang ipadetain sa ibang lugar para mapilitang kumanta?

SEN. WIN: Pwede rin. Kasi, hindi naman iba na nag-detain ang Senado sa ibang kulungan, ibang jail. Pwede rin yun. Dahil dito, aminado naman tayo, mas komportable, mas ano, pag hindi pa rin, ano, pag hindi pa rin magko-cooperate o magbibigay ng detalye, pwede siyang makulong sa ibang lugar.

Q: Kasi si Cassandra Ong sa house, tinakot na i-dedetain sa correctional, napilitang magsalita, sir.

SEN. WIN: Oo, correct, correct. Kasi yun, totoong kulungan. Ito hindi naman kulungan to. This is, parang a temporary, parang a temporary detention facility, no? But hindi siya yung, jail talaga.

Q: Sir, do you believe yung sinabi ni Sheila na hindi niya kapatid talaga si Alice? And may idea na po ba kayo kung sino yung tatay niya?

SEN. WIN: Ako, I believe that, because yung passport niya is ibang last name, no? Zhang Mier siya. At mayroon ako nakuha mga information rin, yung mga nagturo na nanay si Lin Wen Yi , the same people, na pinapakilala talaga siya na hindi kapatid, no? Iba pinsan, iba, close, family friend, ganun, no? At, may mga nakausap rin kami na trabahador nila in fact, taga Valenzuela ito, na pinakilala na parang close friend, no? Or family friend, no? So may point naman, parang mukhang totoo naman, no dahil iba yung kanyang passport document at it corroborates with, yung mga stories na naririnig namin. Ayaw lang lumabas yung mga trabahador at saka yung ibang mga kaibigan nila natatakot. But yun yung mga information na kukuha namin, no?

Q: Sir, may idea na kayo kung sino yung totoong tatay niya? Kung hindi si Jian Zhong Guo?

SEN. WIN: Hindi, hindi ko pa alam kung sino. Maybe that's also one angle that we need to pursue, no? May mga theory na, kasi dinala siya dito 16 years old, eh. No? so, di ba, pag 16 sa atin, paglalabas, kailangan mo ng permit ng magulang, eh, bago ka makalabas. So, I'm also looking at that angle na napaka-bata niya, dinala siya dito at nagtatrabaho na siya dito, no? So I don't know kung anong relationship ng kanyang magulang dito sa kay Guo Jian Zhong at kay Lin Wen Yi.

Q: Sir, last, sa hearing sa Monday, sino po yung mga ibang personality or bagong personality na i-invite? Kasama po ba si Cassandra?

SEN. WIN: I hope si Cassandra will be allowed to visit, no? kasi marami rin kaming katanungan sa kanya at yun ang aming request sa counterparts natin sa house na payagan siyang dumalaw dito, no? pumayag na ba? Good. At least, mayroon na tayong ano dyan. Mayroon na tayong certainty dyan.

Q: Sir yung pag-amin po ni Sheila Guo what's the significance po?

SEN. WIN: Actually, yung kanyang family circumstance, I would say, hindi pa klaro kung paano natin gagamitin sa kaso. Ang focus ko yung Pogo at yung ni Alice Guo sa POGO. Gusto kong palakasin pa mga detalye at mga circumstances laban kay Alice Guo in relation to her role in the Pogo Hub in Bamban. So yun ang ating pinapalakas. Kaya importante yung kanyang, financial records, money flows na pumapasok sa Bamban, at yung role ni Sheila Guo sa pagtulong na mabuo ung Pogo Hub sa Bamban. Yun ang hinahanap namin na detalye. But yung family relations nila, for now inilalagay lang namin on the table but hindi pa klaro kung paano ikoconnect doon sa Pogo Hub sa Bamban.

Q: Sir, are we ready to say na ung 10 companies nina Alice ginamit sya to launder the money?

SEN. WIN: That's my theory na ginamit itong mga corporations, ginamit itong mga personalities, nasabi na AMLC magpafile sila money laundering case this week so after mafile lalabas na personalities at corporations, as well as bank accounts. Ang first step kasi yung freeze order, may freeze order na nga. Ang laki na nga ng nafreeze P200 million cash, P400 million in assets. Ang next money laundering, ito na yung totoong kaso na laban sa mga personalidad.

Q: Diyan na malalaman Sir?

SEN. WIN: na magbibigay detalye paano ginawa money laundering. Ung freeze order ang sinasabi doon may lau-laundering kaya ifreeze natin ang assets. Ngayon ang sasabihin na next case ito ang ginawa nila kaya nagkaroon ng money laundering.

Q: Sir, yung kay Cassandra Ong kasi parang sya ang common denominator sa Bamban at Porac.

SEN. WIN: Yes, correct. Siya yung link. Siya yung link.

Q: Sir, but meron na bang other evidence linking Alice Guo?

SEN. WIN: Well, yung flight details na nakita namin na lumapag si Cassandra, si Duaren Wu, si Alice Guo, si Sheila Guo. In my opinion, puts Alice Guo and Duaren Wu together. Si Duaren kasi is hinihinalang mastermind ng Pogo Hub sa Porac. Marami siyang tinayong mga corporations dito sa IT. Bumili rin siya ng lupa. Binili niya yung lupa ng Whirlwind worth 1.3 billion pesos. Pero hindi pumasok sa libro ng Whirlwind Corporation. So, meron rin nakikita kami yung money laundering issue on the part of Porac. At nung kinost out din namin yung buildings kasi humingi kami ng tulong sa mga engineers. Ang halaga ng building is between 3 to 5 billion pesos. Yung pagpapatayo ng building. So, let's put it on the average 4 billion. Para ipatayo yung Porac Pogo Hub, 4 billion yung kanilang ginastos. Pero pag tinignan mo yung financial statements ng Whirlwind, walang laman. Kaya, again, pag ganyan yung... Yan, ano na yung red flag. Merong money laundering na nangyayari.

Q: Sheila Guo kung magiging state witness siya, ganyan. Para, just to get to the bottom of this, makuha talaga sa kanya yung impormasyon na kailangan.

SEN. WIN: Masyadong maaga pa para gawin yun. Like I said, yung kanilang abogado, pareho. So, at this point, I doubt kung magbibigay siya ng detalye o magsasalita siya laban kay Guo Hua Ping. At this point, it's too premature to say that.

Q: Sir, may patanong lang si Camille Balagtas. Mayroon daw information na si Sheila ay kapatid ni Michael Yang. Do you have information regarding this, sir?

SEN. WIN: Wala pa akong information na ganyan.

Q: At eto pa, pamangkin na tunay daw si Alice Goh o ni Alan Lim. Sino ba si Alan Lim? At kapatid ng nanay ni Alice Guo si Alan Lim.

SEN. WIN: Wala pa akong info. Wala pa akong info. Kasi si... Once upon a time, itong Guo family kasi nung medyo hindi pa mainit to, nagso-socialize naman sila eh. May mga pictures. May mga kumakain sila sa labas. May mga friends sila. Although maliit lang yung friends sila. In fact, kasama sila dun sa Hog Raising Association Kasali sila dun. May picture siya dun eh. Si Lin Wen Yi at si Alice Guo. So, in other words, they were living normal lives. Kaya maraming mga pictures. At maraming nagkukwento na... Doon nga namin nakuha yung information na si Lin Wen Yi, ang biological mother niya. At si Sheila Guo ay close family friend ng Guo family but not related. So, yung ganun. At may mga nagtatrabaho rin sa kanila na corroborates that story.

Q: Na-establish niyo na po ba, sir? Kasi di ba sinabing ni Sheila Guo, from van, sumakay siya sa boat. Sino po kaya yung tumulong sa kanya? Sa kanila? I mean, sino kaya? Mayroon na po ba kayong na-establish kung sino yung... Kung kanino yung ginamit na boat? And then, sino yung private company? Or hindi natin alam kung ano man yan. Pero may na-establish na po kayo information, sir, kung sino yung tumulong?

SEN. WIN: Wala pa yun, no? Yun yung mga sana detalye na ibinigay ni... Gusto natin ibigay ni Sheila. Pero hindi nga siya nagbibigay ng detalye. Nagkwento siya, sumakay siya, but wala naman detalye. In fact, if you notice, hindi niya alam yung oras, estimate lang yung binigay, hindi niya alam yung binigay, no? So, ewan ko kung may tao ngayon na hindi tumitingin ng relo o hindi tumitingin sa cellphone ng oras, no? Parang imposible naman yun, no? So, nagkakwento siya, pero walang detalye.

Q: Nung pagtatanong niyo rin, inamin niya na mag-boyfriend, girlfriend si Cassandra Ong, tsaka si Wesley Guo. Ano po bang significance nun sir sa case? Ano yung nakikita niyo?

SEN. WIN: Well, ayoko pangunahan yung hearing pero ang nakikita ko dyan, nung tinayo yung Lucky South 99, 19 years old lang si Cassandra. So, 19 years old lang siya, pero naging representative na siya ng Lucky South 99, naging corporate secretary siya ng Whirlwind Corporation. Again, at that young age, mabigat na responsibilities ang binigay sa kanya. At hindi ibibigay yun sa kanya kung hindi, hindi siya pinagkakatiwalaan. So, at meron rin, obviously meron rin nag-endorse sa kanya or mayroong mas malaki na nagbigay ng authority sa kanya. So, but that is a clear link between Bamban and Porac. Yung personality na yan si Cassandra Ong. At yung role niya sa Porac kasi hindi lang ordinary role eh. At the same time, hindi rin coincidence na si Wesley Guo ay kapatid ni Guo Hua Ping na sentro rin sa Bamban Pogo Hub. So, that's a theory for now na binubuo namin through evidence.

Q: Sir, balikan ko lang yun sa pag-exit nila. Ano po ba, sir, yung malinaw so far? Sa Luzon ba siya umi-exit or sa Mindanao?

SEN. WIN: For sure, sa Luzon yan. Kasi kung totoo yung sinasabi niya, from galing siya ng Bamban eh. Bamban. Sa farm siya ang nag-start eh. Tapos, bumiyahe, sila, dumating raw sila sa isang pantalan ng midnight, no? Diba? So, that's for five hours. So, hindi sila pumunta ng Mindanao or hindi nag-backdoor, in other words, no? At least yung first exit nila.

Q: Sir, tinatanggap niyo ba na yung sinabi ni Sheila Guo na sinundo talaga sila sa farm sa Bamban? Kasi kung totoo doon sila nanggaling, yung date na supposedly ay umalis sila, may warrant of arrest ng Senado, ibig sabihin, may pagkukulang ang mga authorities kasi hindi nabantayan yung farm.

SEN. WIN: Talagang may pagkukulang kasi kung totoo sa Bamban sila umalis, ilan balik rin ang PNP sa Bamban. At may PNP rin doon, no? Dapat nade-detect rin nila na nandoon yung itong mga taong ito. At kung Bulacan naman, dahil alam ko meron silang malaking bahay sa Marilao, dapat rin na-detect rin doon, no? Talagang may pagkukulang rin yung mga enforcement agents natin pagdating sa intelligence kasi parang kasi last appearance ni Guo Hua Ping dito is May 22, eh. And from then on, from May 22, kung tama yung sinasabi ni Sheila, first week of July, hindi na sila na...nakakalipat-lipat sila eh. Nakakalipat-lipat sila eh. So, kaya nga, yung although tumugma naman yung intelligence ng PNP, pagdating doon sa flight, pero malaki rin yung pagkukulang pagdating sa intelligence on the ground, no? Ang intelligence kasi, binibuild mo yan kahit walang, kahit walang ganitong pag-aresto eh. Hindi mo naman binibuild ang intelligence network mo kung mayroon ng gusto kang arestuhin eh. Kahit wala kang inaaresto, binibuild mo itong intelligence network mo.

Para kung mayroon kang gustong arestuhin, nakakalat na itong intelligence mo. Pero ganoon pa rin eh. Naka, malaya silang nakakalipat ng bahay, nakapunta sila sa isang pantalan, nakalipat sila ng barko. So, kung totoo yun, mga ngayon, anong nangyari doon sa network na binuo, no? That's the nature of intelligence, yung network eh.

Q: Sabi naman ni Presidente, heads will roll. Pero sa tingin nyo, how soon should it happen?

SEN. WIN: Well, I'm sure there, ano nga eh, I think nasabi ng Presidente yan dahil rin sa gulat at sa galit, no? Kaya ang kanyang initial impression, merong kakuntsaba sa gobyerno. Kaya yun yung nasabi niya. At alam ko, iniimbestigahan nila ng mabuti ito, no? Whether pag mayroon may kakuntsaba o pagkukulang, definitely dapat may accountable dito.

Q: Sir, hindi ba kayo, Sir, natatagalan doon sa progress ng kaso against Mayor Guo. Kasi, Sir, binalikan ko kasi yung statement ninyo, March 25 nyo pa sinabi na may possible link si Mayor Guo. But until now, wala pang kaso sa Korte.

SEN. WIN: Actually, kung tutusin, well, ang only arrest order is galing sa Senado at galing sa Kongreso. Wala namang ibang arrest order na. So, ibig sabihin, hanggang nasa prosecutor level pa rin ngayon, or prosecution level, hindi pa na-file sa Korte. Kaya nga, even yun sa AMLAC, na matagal rin, matagal na natin sinasabi, this week pa lang i-file. At talagang nababagalan ako sa mga kasong dapat i-file, especially on money laundering, kasi klaro naman na mayroong money laundering. So, nababagalan ako sa pag-usad ng mga kaso. Kaya wala pang hold departure order. Until now, walang hold departure order.

So, kung hindi pa nag-issue ang Senado at ng Kongreso ng arrest order, actually, walang reason para ibalik sila dito.

Q: Sinong dapat accountable dito? Anong dapat gawin para mapabilis yung kaso? Kasi nga, nadadrag, pwede na silang pumunta kung saan sila.

SEN. WIN: Correct. Ito, learning process. Hindi lang naman para dito sa mga individuals na ito, pero sa paglaban natin sa krimen, ang importante na mabilis ang pag-file ng kaso. So, para mabilis makakuha ng hold departure order. Dahil kung meron silang kakayahan at meron silang mga contact, mabilis silang nakakawala. At learning process yan. At kaya yung mga ahensya natin, importante na mabilis yung kanilang trabaho at pagkuha ng ebidensya at pag-file ng case.

Q: So, sisingiling nyo ba dito yung AMLC? Kasi nga, Sir, ito March, nyo pa si Ini-reveal, yung connection. And then, hanggang nung hearing nung isang araw, sabi nila ipa-file nila yung case within the week. Hindi pa klaro yung specific date.

SEN. WIN: Correct. Talagang ako personally, sisingilin ko sila. In fact, over the weekend, bago mag-hearing, humihingi ako ng updates dun sa kaso. At until noong hearing nga, humihingi ako ng updates. Tama ka. Nakaka pang-anim na hearing yata yung huling hearing natin. Wala pang na-file ng kaso. No? At every hearing nilang sinasabi, ipa-file na, ipa-file na. But until now, wala pa. At kaya nga binuo ang AMLC eh, to enforce and to file cases. At personally, I will ask for explanation kung bakit mabagal ang usad ng pag-file ng kaso.

Q: Dapat po ba, Sir, kasama sa money laundering case si Sheila Guo, given na siya yung nakapirma?

SEN. WIN: Yes, dapat kasama siya. Kasi siya yung treasurer at CFO. At pinag-uusapan natin ngayon yung perang pumapasok at perang lumalabas. So dapat kasama siya.

Q: Isa na lang. Napag-uusapan po, Sheila, Alice, and Wesley. Sir, si Seimen Guo, di ba meron pa sila isang kapatid? Nasaan yun, Sir?

SEN. WIN: Ang balita ko, again, ito yung mga kwento-kwento na nakukuha ko from the Grapevine. Maaga siya bumalik sa China. Kaya hindi siya kumuha ng Philippine passport. Meron siyang fake birth certificate. Pero hindi niya pinursue yung Philippine passport niya. So, mga may balibalita na meron kasing negosyo pa rin doon yung si Guo Zhang Zhong. At ito yata ay naka-assign doon. Yung tatay niya may negosyo pa doon. Yun yung balibalita.

Q: Hindi na minor?

SEN. WIN: Ngayon hindi na minor. Ito yung kasama... Kasi based, di ba, doon sa birth certificate nila, si Wesley, si Seimen, nag-register sa Caloocan. Tapos si Sheila at si Alice, nag-late register sa Tarlac City. So, but pare-pareho yung kanilang magulang. So, ibig sabihin, apat silang magkakapatid. Based on the fake birth certificate na.

Q: Sir, ano yung latest sa whereabouts ni Alice Guo?

SEN.WIN: Well, based doon sa information ng Bureau of Immigration, nasa Jakarta siya. At ako, I'm very confident na mahuhuli siya dahil buong ang Jakarta na-advise na at na-alert na yung kanilang mga enforcement agencies. At very optimistic ako na mahuhuli rin siya.

Q: At ang latest sa DOJ, nag-file na sila ng kaso sa Pasay City RTC against Sheila, Alice, and Cassandra Li Ong. So, kahit po palabasin na dito sa Senate si Sheila. It means may custody na po sa kanila yung Korte.

SEN. WIN: Well, habang tuloy-tuloy yung hearing dito, si Sheila will still be under the custody of the Senate. Hindi pa kasi nali-lift yung contempt order sa kanya. Hindi pa na-di-discharge yun. So, until tuloy-tuloy pa yung hearing namin, at until hindi nagbibigay siya ng detalye, tuloy-tuloy siyang madi-detain dito sa Senado.

Q: Sir, update lang po dun sa kaso na niluluto niyo sa Senate against kina Alice.

SEN. WIN: Kausap ko si Secretary Rey at ready na rin i-file yun anytime soon. They're just polishing it. Medyo naging busy lang because of all of these things happening, yung pagdating ni Sheila. But ready na rin i-file yun. So, two cases will be filed perjury and disobedience under the revised penal code.

Q: May timeline kung kailan?

SEN. WIN: Within the week.

Q: Sir, will that, parang valid ba yun para makapag labas ng kahit PHDO precautionary hold departure order yung DOJ?

SEN. WIN: I think, if I understand it correct, this is a bailable offense. So, pwede siyang mag-bail. But pwede rin naman mag-request ang Senado na mag-issue ng hold departure order, depending sa gravity ng kaso niya. But pwede rin yun i-request ng Senado. Lalo na lumalabas na sentro siya sa mga krimen na nangyayari. So, we can request for that from the courts.

Q: And sir, dun sa timeline nung biyahe ni Sheila palabas, para kasing may butas. Kasi sabi nila, first week ng July sila lumabas ang bansa. Pero yung arrival stamp nila sa Malaysia is July 18. Tapos meron pa sila sa Sabah ng July 19. Ano pong tingin niyo dun, sir?

SEN. WIN: Well, according sa story ni Sheila na matagal yung biyahe na mga 3 or 4 days. I heard from the story. So, umalis siya ng first week of July, bumiyahe sila ng 3 or 4 days. Siguro nakarating sila mga second week na, middle of second week. At I believe they stayed there in Malaysia. And bumiyahe ulit sila to Sabah. I think, ah, ganun ang nangyayari. Yan ang theory. So, in other words, maaga sila umalis. Kasi ang theory natin, umalis sila July 18 lang. Pero based sa narrative ni Sheila, maaga pa lang, umalis na sila. July, first week of July, umalis na. Iyon pa yung isang hindi klarong detalye dahil meron bang umaalis na hindi mo alam anong araw? At least titignan mo, umalis ako ng ganitong araw, ganitong, di ba, petsa. Pero hindi niya alam, eh. So, unbelievable naman na umalis ka, hindi mo alam anong araw, anong petsa.

Q: Sir, ano ko lang muna kung meron pong birth records ang Committee ni Cassandra Ong?

SEN. WIN: Meron. Meron birth records. Kung meron kami yung birth records, yes, meron, meron.

Q: Yes, Sir. And hindi po nabanggit yung Michael Yang dun or what na pwedeng? O pag-aaralan po?

SEN. WIN: Wala. Ang tatay niya ay isang Richard Ong Chao. Ong Chao Hong, no? Yung isang tatay. Late registration, yon.

Q: And sir, are we 100% na you own si Alice Guo, ang talagang nanay niya ay yung Li Wenyi at yung tatay niya? Kasi ito lumutang, hindi pala magkapatid, hindi sila magkapatid ni Sheila. And 100% na po na kapatid niya si Seimen and Wesley?

SEN. WIN: Well, 100% na tatay niya si Guo Zhang Zhong at si Lin Wenyi dahil yun yung record sa BOI nung nag-file sila ng kanilang investor's visa. So yun yung finile nila. So established yun na anak ni Lin Wenyi itong si Guo Hua Ping. May dalawa pang anak doon sa BOI records. Isa doon si Wesley, si Xiang Dan. Yun naman si Wesley kasi na-match yung fingerprint. Ang nawawala doon yung isa pang anak, si Jiang Long. So itong si Jiang Long, I believe ito si Wesley. Sorry, sorry. Si Jiang Long, I believe is si Seimen na wala na dito sa Pilipinas.

Q: Sir, sa tingin niyo sa mga nagiging developments, magtatagal pa itong Senate hearing?

SEN. WIN: Depende yan sa mga sagot ng resource persons at depende rin kung mahuhuli si Guo Hua Ping. Of course, kung mahuhuli siya, again, ang Senate lang may outstanding arrest order against Guo Hua Ping. So kung nahuli siya, babalik siya dito, haharap siya ulit sa Senado.

Q: So pwedeng magtagal pa ito, sir?

SEN. WIN: Pwede pang magtagal.

Q: Sir, nabanggit niyo yung tungkol sa intelligence fund ng mga law enforcement agencies. Parang lumalabas mas malaki pang intelligence fund ni Sen. Risa kaysa yung mga...

SEN. WIN: Oo, yeah. Bilib ako sa kanya, to be honest about it. Ay galing ng kanya. And na-validate niya kagad. Sen. Risa naman, hindi magsasabi yan kung hindi niya na-validate. Kaya nga, kung Sen. Risa na hindi naman party ng executive na-validate, bakit si Commissioner ng Bureau of Immigration took him five days to validate? Yun yung question eh.

Q: So, budget season, kukuwestyunin ninyo yung intelligence fund kung saan napupunta nitong mga law enforcement agencies?

SEN. WIN: Definitely. And also make suggestions. Dahil ako ay itong mga enforcement agencies, pag ginamit naman ang intelligence fund, makakatulong. Kasi ito yung gumagawa sila ng network eh. May mga assets sila sa iba't ibang lugar. May mga assets sila, let's say, sa mga pantalan. Para kung merong ganitong problema, merong kaagad information. May magtitip kaagad sa kanila. That's the nature of intelligence. Gumagawa ka ng network. At kung ginamit mo ng tama ito, at yung tao mo ay tama rin, makakatulong rin ito. So, isa yan sa mga tanong natin this budget season, kung paano ba nila ginagastos, without, of course, telling the public yung mga detalye, but paano ba nila ginagamit to build an efficient intelligence network.

Q: So, yung masyado tayong concentrated kay, sa Pamilya Guo, what about, ano nangyayari na about the other personalities involved sa Bamban and Porac Hub na mga Pogo, yung mga big names?

SEN. WIN: Magandang tanong yan, yan ang nakakalungkot. If you remember, may mga iba tumakas sa Clark, pero hindi nahuli. Si Dwarren Wu na mastermind sa Porac Pogo Hub, nawala na rin. Magandang tanong yan, yung mga Chinese names doon sa incorporation papers ng Lucky South, ng World Wind, at ng Baofu Land, Zun Yuan, lahat yun nawawala rin. Kaya yun din ang isang katunungan ko. Naraid nga natin, nasaan naman itong mga personalities na ito? Physically, wala na dito. Kahit file tayo ng kaso, wala naman sila dito physically. So that's also another issue na dapat nating harapin. Dahil magandang pakinggan na marami tayong naraid and I thank our enforcement agencies, dahil nagbuwis-buhay sila, but at the end, importante rin yung kaso na ifa-file natin at may makukulong. Dahil based doon sa mga dokumento, may mga kasabwat si Guo Hua Ping sa pagpapatayo nitong Pogo Hub.

Q: Gaano ba daw kalaki ang intel Fund ng mga Senador, Sir?

SEN. WIN: Senador, wala. Wala kami ng Intel Fund. Sariling marites kami. Sariling marites...

ON CREATE MORE BILL

Q: Sir. Just on pending bills. So last night, the plenary ended at nearly midnight. So what are contentious provisions in the Create More Bill? That is still being tackled by your colleagues. And Senate President Escudero said the bill would likely be approved by next week. So what is still being considered?

SEN. WIN: This is a priority measure. A measure inside the LEDAC list. It's also a measure that was certified by the President. It's a measure that will correct a lot of the inconsistencies, ambiguities in the first version of Create. And then we also enhanced the incentives for investors. So in other words, the framework will be the same in terms of incentive granting, but we just made it more generous in Create More. So that's the direction. This is an important measure because looking at the data, we haven't recovered pre-pandemic levels in terms of foreign direct investments. Malayo pa tayo. So this is another way to make our incentive program. Competitive vis-a-vis our other Asian neighbors.

Q: But the amendments last night with Sen. Risa, what did it entail? Since you still needed to study

SEN. WIN: Actually, by practice naman, after amending a bill, typically we give the body a clean copy so that they can study further and suggest further if needed. But basically, we accommodated as much as possible all the recommendations of our senators. One of the highlights in the discussion is the role of FIRB. So we just made it clear what is the role of the investment promotion agencies, the FIRB, as well as the president in terms of investment granting.

Q: Second question. What issues do you see with the existing EPIRA law and how does the Senate intend to tweak it to address power issues?

SEN WIN: Under EPIRA, the regulator was created. The Energy Regulatory Commission. But we are also thinking of carving out a charter for the Energy Regulatory Commission, making it more efficient and giving it more powers in terms of regulating and supervising the electric power industry. I'll give you a case in point. Marami sa mga kontrata nadi-delay pag-a-approve ng ERC. So one of the things that we want to fine-tune is the speed in which ERC's approval of power supply contracts.

Q: Last for me, sir. Since the VAT refund bill for tourists is in plenary right now, may I get your thoughts on economists saying developing health facilities in tourist spots and doing away with cumbersome immigration processes will likely help the tourism industry grow than these tax rebates?

SEN. WIN: Well, that's true. In attracting tourists, there's no single formula. You have to apply many strategies. VAT refund for tourists is just one. Improving your health facilities in tourist areas, improving peace and order in those tourist areas. For example, setting up tourist police in those areas will help. Sa mga dive sites natin, putting up medical facilities because if you have, for example, you get into an accident in a diving area, you need to be brought to Metro Manila in order to have access to sophisticated hospitals. So, those type of facilities need to be built in tourist areas so that tourists will have the confidence going to our beaches, to our tourism sites because they know that they will be taken care of.

Q: Sir, doon sa Create More, magbibigay ba yun ng additional revenue sa government?

SEN. WIN: Magbibigay siya ng additional revenue but ang kanyang objective is really more incentive giving. So, kumbaga, in terms of revenue take, magiging pantay lang siya. But in the long run, it will be beneficial to the country because it will generate businesses, employment, and foreign direct investments.

Q: Sir, how would you describe the demeanor of Sheila Guo during her testimony? Kasi, di ba, ang pag-depict niya sa sarili niya ay parang innocent, naive, mahina ang loob. Pero, base po sa mga narinig niyo sa kanya, how would you describe her?

SEN. WIN: We have to be very careful with this Guo family. Parang, ano sila eh, mga professional parang professional liars and professional swindlers. Nakita natin nung una kay Guo Hua Ping, di ba, lumaki sa farm, homeschooled, simple lang, inosente. Pero, if you look at the documents and if you look at the evidence, hindi siya ganun eh, no? Much more sophisticated siya. At, that's why we have to be careful. Of course, the demeanor tells us one part, but it's important also to look at the evidence. Right now, the evidence is pointing na hindi siya inosente dahil pumipirma siya ng mga dokumento. So, and, kaya nga sabi ko sa kanya during the hearing na yan, itong mga pinipirmahan mo, malalagay ka sa sa alanganin. Pwede ka makulong dyan dahil yung mga pinipirmahan mo, hindi ito ordinaryong dokumento. Ito ang mga financial statements at corporate papers yung mga pinipirmahan niya.

Q: At this point, sir, anong may legal basis na ba talaga to arrest Alice Guo sa Indonesia? Kasi may kaisipan po na only criminal prosecution can trigger a blue notice or a red notice, sir.

SEN. WIN: Ang kanyang, for now, in Indonesia, ang gagamitin sa kanya is an immigration offense. Umalis siya kasi nang hindi dumaan sa immigration natin. Diba lahat tayo pag aalis, dadaan tayo sa immigration dito sa atin. Hindi siya dumaan doon. So, that's an immigration offense. Kaya yun ang gagamitin sa kanya sa pagbalik dito. And at the same time, of course, the outstanding arrest order from the Senate.

ON ATTY. GALICIA

Q: Sir, lastly, may gusto pa ho ba kayo ipursue kay Atty. Galicia? And a certain ka-Allan that he mentioned.

SEN. WIN: Well, we'll invite si Ka-Allan kung totoong tao siya. Kasi parang wala, parang bula lang siya na pumunta doon. At pinabalik si Atty. Galicia at na-convince niya to notarize someone in the car. Parang ano kasi yung circumstance, pag iniisip ko yung circumstances, pumunta lang yung tao doon. Tapos pinakilala sa iyo isang Alice na hindi mo pinababa sa sasakyan, pero ninotarize mo yung kanyang papeles na hindi mo man nakita kasi yung mga notary dapat nakita mo, pinapirmahan talaga yung dokumento. Kaya nga in the presence of the applicant. So, in that case, hindi consistent yung kanyang sinasabi. Kaya tuloy pa rin yung aming pag-imbestiga sa kanya para matulungan rin namin yung DOJ sa kanilang kaso. Kasi, isa sa mga anggulong pinupursue ng DOJ, ito nga ang pagsinungaling ni Atty. Galicia.

Q: So, sir, pwedeng mabalewala yung counter-affidavit ni Alice Guo kung hindi dumaan sa tamang proseso yung pagnotarya?

SEN. WIN: Yung affidavit ni Alice Gou. Pwedeng mabalewala yun kasi yun ang gagamitin nila. Kasi, definitely, wala dito si Alice Guo. Established na yan. So, definite, kung wala dito si Alice Guo, lumalabas, nagsinungaling siya.

Q: At ano yung pwedeng kaso kay Atty. Galicia?

SEN. WIN: Well, I think under the rules ng Supreme Court, pwede siya madisbar sa pagsisinungaling.

Q: You will pursue?

SEN. WIN: Hindi pa ngayon. Kasi tuloy tuloy pa yung aming investigation. At kaya nga imbitahin namin si Alan para makita natin kung si Alan ay totoong tao. At siya magbigay ng detalye. Paano niya nakilala si Guo Hua Ping? Yan ang unang tanong siguro.

Q: Ano ang liability ng lawyer ni Alice Guo, who kept on saying nandito siya for so many times, andito pa rin si Alice Guo?

SEN. WIN: I have to give him the benefit, kasi from what I understand from him, kausap niya si Alice Guo sa phone, and I would assume, sinasabi sa kanya na nandito na siya, nandito na siya, o nandito pa siya, nandito pa siya. So I would assume ganun yung kanilang communication. Yung mga counsel naman, pag kumukuha ka ng counsel, you only rely on your client also, on information. So I would give him that benefit.

Q: Sir, kung matapos yung hearings ng Senate, may confidence kayo na palayain si Sheila Guo knowing that she has capacity to lead?

SEN. WIN: Really depends on anong sasabihin niya. The detail, in the next few hearings, really depends kung magko-cooperate siya. Ang best case scenario, magsabi siya kung ano pa yung nalalaman niya, kahit na executive session, kung natatakot siya. Kung natatakot siya dahil nga, alam naman natin, itong mga taong to ay may pera sophisticated. Imagine, nakatakas sila. Kung totoo man yung barko, nakataka sila under the radar of all our enforcement agencies.

So ganun ka-sophisticated sila. Kaya naniniwala ako, hindi ito pinlano ng madalian. Matagal na nakaplano ito kung may mangyari. At kung totoo yung 200 million, ganun kalaking pera ang kaya nilang gastusin para makatakas.

So, in other words, kung magbibigay si Sheila ng detalya kahit na executive session, papayagan natin yun. At mas maganda yun para malaman natin yung dagdag-dagdag ebidensya laban kay Alice Guo pagdating sa Pogo.

Q: Sir, ipo-push niya po yun yung executive session?

SEN. WIN: Depende. Depende kung anong detalye ang bibigay niya. Kasi hindi lang naman pwedeng mag-executive session at wala naman pupuntahan. So depende kung anong ibibigay niyang information.

ON WEST PHILIPPINES SEA

Q: May pahabol lang, sir, about the West Philippine Sea. With the recent collision of PCG and BFAR ships with Chinese vessels, what diplomatic means should we take? If not diplomatic, then what po ang dapat daw gawin?

SEN WIN: Ako personally, I condemn the actions of China in so far as colliding with our Philippine flagships. Nangyari yan sa Coast Guard natin, nangyari sa BFAR. At yung mga ganitong pangyari, hindi maganda sa relasyon at sa stability ng ating region. At dahil meron ng... Itong both sides, sinusubukan nilang mag-usap, sinusubukan nilang magkaroon ng magandang relasyon, sinusubukan nilang patahimikin at magkaroon ng stability in that area.

Pero kung meron ganitong mga collision, bumabalik tayo sa zero. Hindi tayo umuusad. Hindi tayo nag-improve. But having said that, dapat pa rin tuloy-tuloy yung communication at dialogue at maghanap pa rin ng totoo at sincere solution para hindi na maulit. Dahil hindi healthy ito para sa dalawang bansa. At hindi nagiging produktibo para sa dalawang bansa yung ganitong pangyayari sa West Philippine Sea.

Q: And with this act of aggression, paano daw natin mapoprotektahan yung ating blue economy?

SEN. WIN: Kailangan maging alisto at alerto sa West Philippine Sea dahil nga yung mga ginagawa ng China dyan, for example, yung pagkukuha ng corals, yung paggagawa ng mga islands, nakakasira yan doon sa natural state ng West Philippine Sea area. So kailangan maging alisto tayo. At kung mangyayari yan, then we have to also try our best to either stop it or to file diplomatic protest.

Q: And then, sir, yung mga hakbang na yun ba? In the long run, pwede makaapekto sa ating trade routes, whether importation or export?

SEN. WIN: Actually, hindi lang. Hindi lang tayo maapektuhan dyan. Very strategic ang West Philippine Sea, not only for the Philippines but for the entire world. Because one-third of the entire trade flows to that West Philippine Sea route, for oil, for electronic goods, back and forth. So it's a very strategic area. And China knows it's a very strategic area. And China knows how to play the long game. Tinitignan nila, not 10 years from now, 20 years from now, 50 years, 100 years from now. Controlling that route, having possession of the route is detrimental to the stability of the entire world.

Q: So alam nyo yun ng China?

SEN. WIN: Alam nila yun. They know their commerce, they know their history. Alam rin naman yan natin. Alam rin naman natin. Alam rin yan ng ibang bansa. Ngayon, isang dahilan kung bakit ang Amerika ay interested in that area. Kasi alam nila na pag yan ay ma-kontrol ng China, sila rin ang mahihirapan gumamit ng ruta sa West Philippine Sea.

Powered by EIN Presswire

Distribution channels:

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Submit your press release